Thursday, September 10, 2009

Isang taon ng Red Horse, Yosi at Ikaw

Yosi. Nag-umpisa akong manigarilyo noong college. Inaamin ko,natuto akong humithit nito dahil sa peer pressure. Huminto ako after college graduation. O minsan isang stick kapag stressed, umiinom, kapag malamig, o may nakaing nakakumay.

Ikaw naman, ang paghihithit ng sigarilyo ay tila ekstensyon na ng iyong paghinga. Sabi ko noon, I’ll never kiss a smoker, it’s like kissing an ashtray! I hate guys reeking of cigarette smell. Pero sino nga ba ang makakapagsabing, kakainin ko rin mga sinabi ko? Ang pinagsamang cherry spray mist, the natural male scent and cigarette smoke give you a unique smell that lingers on my skin.
Sabi ng Ate ko, you are bad to my health. Sagot ko naman, but he’s good to my heart. Hahaha.




Red Horse.
Ito ang pinakaunang nakakalasing na inumin na ininom ko (exception na ang tuba kasi naman pampawala daw ng bulate yun sabi ng tita ko). Lakas tama. Like the way I fell for you. Maniniwala ka bang sa lahat ng nakarelasyon (which mostly are flings, hindi seryoso), I never let myself to fall. Kasi natatakot ako. I am adventurous. I can take risks- calculated risks. But in the matters of the heart, duwag ako. Duwag akong masaktan at maiwan. Dahil na rin siguro sa trauma ko sa pamilya namin. But when you fell in love, hindi mo makalkula lahat.
Ilang beses na ba tayong nag-inuman? Ilang bote na pa ang ating naipatumba? Hindi lang Red Horse. San Mig Light, Strong Ice, All Pure Malt, The Bar, Generoso, El Hombre Tequila. Hindi naman tayo lasenggero/a ano? hehe



Alam mo bang may mga panahong mas gusto kong nakainom para mawala ang inhibisyon, masabi ko kung ano ang gusto kong sabihin. Sumasagi sa isip ko, sana minsan malasing ka rin at matanong kita ng kahit ano ng walang pag-aalinlangan, o masagot mo ako hindi sa pamamagitan ng isa pang tanong. In vino nobis de veritas. In wine there is truth.


Ewan ko kung naalala mo ang araw na ito. Ito ang araw na una tayong nagkita at nagkakilala. Isang taon na pala. Marami nang nangyari, marami na ring pinagsaluhang beer, at ilang pakete ng yosi.



Maligayang isang taon ng pagkadadaupang- palad.




P.S.

Ito na siguro ang pinakacheesy na naisulat ko sa tanang buhay ko kaya huwag mo akong pagtatawanan kundi babatukan kita. ('0')

4 comments:

Karla said...

Awww. It's cute Che. We all need a little cheesiness in us. At dahil walang like button dito tuland ng sa FB, eto na lang:

I like! :)

May Che said...

Hi ate Karla..Thanks for liking. I was hesitant to post this kasi baka isipin nila sweet ako..haha..

patrick innocencio said...

ang sweet naman ng may che na ito from koronadal/davao. chizzy nga, but not bad.

May Che said...

hahaha..Salamat Patrick for dropping by. Yes, I can be cheesy at times.When love struck you, di ba ang saya ng kilig feeling? hehe

 

Blog Template by YummyLolly.com - RSS icons by ComingUpForAir