Monday, August 15, 2011

Sulat para sa Kadayawan 2011

Minamahal kong 2011 Kadayawan Organizers,

Ako po ay sumusulat para ipahayag ang aking mga napansin nitong mga nagdaang araw. Hindi po lamang ito pagbatikos kundi isang pagpapakita ng pagmamahal sa siyudad na naging pangalawang tahanan ko na,

Unang-una. Bakit po ganito ang logo?



Ang Y para na agila (Philippine Eagle) ay tila isang "Devil's" fork kung titingnan. Parang tuning fork sabi pa ng isang kakilala. Ang agila ay tila isang hipogriff.

At bakit po KING OF FESTIVALS? Nasaan na ang Queen? Dati ito ay Festival of all festivals.Mas sinasang-ayunan ko ito.Parang wala po yata tayong gender sensitivity dito. Siguro lalake ang gumawa niyan, wika pa ng isang kakilala. Hindi ko masabi kong tama sila.

At yung Davao Punch offering sa airport, ay may ibang konotasyon.

Siguro nga mas maganda ito at nakakatawag ng pansin. Davao punch= Bagong pambansang kamao? :))



Subalit ang pinakamasaklap na aking naranasan ngayon ay ang napakamahal pa rin na durian! Huhu..Dati-rati pag ganitong mga panahon, mga P30-40 na lang ang kilo. Maliit lang daw ang harvest. Ulan ng ulan nitong nakaraang buwan. Ang mga bulaklak ng puno ng durian ay nahuhulog. Nagbabago na talaga ang klima, at habang hindi natin sineserysoo ang plano para sa mitigasyon at adaptasyon lalong-lalo na sa agrikultura, kokonti ng kokonti ang ani.


Alam kong mas marami pang atraksiyong inihanda. Nawa'y maging makabuluhan ito para sa lahat.
Hiling ko lang po. Sana sa susunod na taon, gawin kayang patimpalak ang paggawa ng logo?


nagmamahal,

Inday Dabawenya

0 comments:

 

Blog Template by YummyLolly.com - RSS icons by ComingUpForAir